Saturday, May 21, 2005

Keeping My Tears on a Rainy Sunset

Sabi nila, kapag nalulungkot ka, natural na ang pakiramdam na parang gusto mong umiyak. Okay lang sana kung mag-isa ka. Kaya lang, pano kung saniban ka na ng espiritu ng kalungkutan at kasama mo pa rin ang mga kaibigan mo? Itutuloy mo pa rin bang umiyak? Nakakahiya 'di ba? Ganyan ang naramdaman ko nung Thursday...
Hapon na no'n. Nasa BA Steps kami kasama ko sina L, M1 at M2. Hinihintay namin bumalik si B na may kinuha lang sa boarding house n'ya. Nagu-usap usap sila. Ako parang wala sa mood. Sa mga oras na 'yun iniisip ko na ang exam ko kinabukasan sa accounting at ang lahat nga mga posibleng mangyari dahil 'dun...na kesyo iiwan ko na yung mga BAA friends ko, na hindi kami pare-pareho ng mga subjects, na hindi kami sabay ga-graduate, at marami pang kung anu-ano...habang iniisip ko'yun, tinutulak na ng depresyon ang mga luha ko palabas ng mga mata ko...pero kailangang pigilin. Kasi, nakakahiya. Gusto ko mang mag-share sa kanila, pinili ko na lang na 'wag na kasi baka madamay pa sila sa nararamdam ko at that point at baka mabasa ang mga balikat nila kapag bumuhos na lang bigala ang luha ko (sabagay, malapit ko na rin yata ma-master ang art ng pagpi-pigil ng luha...). Habang ganun nga, bigla namang bumuhos ang ulan...at naisip ko, what if magyaya na lang ako bigal na maligo kami sa ulan? At kung hindi sila pumayag, ako na lang mag-isa, at 'pag nandun na'ko, isasabay ko na ang pag-iyak para hindi halata...pero, hindi ko 'yun ginawa. Sa puntong 'yun, hindi pa rin bumabalik si B kaya naisip nina L at M1 na pumunta sa dorm ni M1 kasi hihiramin ni L yung laptop nya. Kaya naiwan kami ni M2 sa steps. Ayus! Mas konting tao, mas ok lang umiyak! Besides, feeling ko naman na maiintindihan nya kung bakit e...pero hindi ko parin ginawa. Sa mga oras na 'yun, tahimik lang kaming dalawa habang lumulubog na ang araw sa view ng Sunken Garden. Ang ganda sana tignan nung sunset kaya lang, yumuko na lang ako kasi baka mag-reflect yung sinag ng araw sa mata kong malapit nang nalulunod sa luha...pero sadyang magaling ako at napigilan ko pa rin (although reliable ang panyo at mga daliri ko sa pag-punas sa mga mata ko...). Dumating na si B, and after ilang minutes, sila L at M1 na rin. Magkakasabay na sila sa taxi at aalis na. Hindi ako sumabay kasi out of the way ako. Pag-alis nila, parang ayoko pa umuwi...pero wala na akong ibang maisip na puntahan at kailangan ko na rin pala mag-aral...at abutan ang part 2 ng Amazing Race finale sa Studio 23.
Pag-uwi ko, pagkatapos manood ng AR7 at American Idol at pagkatapos mag-aral, nalungkot nanaman ako. Sa puntong 'yon, wala nang ulan, wala nang sunset, at wala nang ibang tao sa kwarto. Naiiyak nanaman ako...pero that time, hindi ko na napigilan.



***
...pero 'wag kayo mag-alala, okay lang ako at masaya n'yo pa rin akong makikitang pagala-gala kung saan-saan...=)



ei, got to see your blog finally. know what, saludo ako sa essay mo na 'to, "keeping...sunset". putting aside the fact na nakakarelate ako, technically, tsong, galing mo magsulat! astig...you have a way to tickle another person's heart. keep it up!  


mr./ms anonymous...

...salamat...wala na akong ibang masabi e..hehe...=)
...pero sana naman, nilagay mo ang pangalan mo or kung anumang identification o para naman mas personal ang dating ng thank you ko...=)
...i'll wait kung sino ka...=)  


hahaha. stalker mo ko. joke...my name doesn't have an "i" on it though. shucks, feng shui na yan...you see me every day. para me mystery, i'll keep my anonymity. k lg b?...

PS: pede paerase ng comment na'to? baka kasi it would a cause a stir. atin2 nlg. di ko kasi alam kung pa'no ka makausap. you have so many worlds. di ko alam kung san ako papasok.=)

...at sana darating ang time na makapag-thank you ka sakin ng personal...rili luking forward.

delete mo 'to. pls. thanks!  


would cause a stir (lang pala)  


wooo...i don't know if mafa-flatter ako or mafi-freaked out dahil sa sinasabi mo na "stalker" ka...exaj naman siguro ang description mo sa sarili mo. alam mo, mas ok talaga sana if you introduce yourself....wala lang, kasi if you really want to know a person, there's no use of not telling who you are. mas ok talaga if magpakilala ka na lang...at saka, pano naman kita mapapasalamatn ng personal kung hindi kita kilala...ok lang ba yun?
ngapala, i'm sorry at hindi ko mabubura yung comment mo...yun din kasi yung purpose ng blog na'to...para i-pakita kung anu-ano na ang mga nangyayari sa buhay ko. don't worry, it wouldn't cause you (or maybe even me) any trouble. Sorry about that.
If you really want to contact me, privately (for thet matter) edi i-email mo ako (cjv_garma@yahoo.com) or i-text mo ako...pero hindi ko sasabihin ang number ko...kasi feeling ko alam mo naman. nahihiya ka lang mag-text...
...ngapala, i have na an idea of who you are. since you left out some clues na rin and nagse-speculate na rin ako...kaya lang, kailangan ko lang ng confirmation...
i'd be glad to hear from you soon...  


oi! Guten Tag! ehem.... sino naman kaya itong stalker na ito???? aber.... oooohhhh.... kweepy.... harharhar.... ano kayang ibig sabihin nito?  


Post a Comment
Powered for Blogger by Blogger Templates