Sunday, May 15, 2005

Accounting is just a bitter pill that i have to take...

...pero sukang-suka na ako, the same time na sinusuka na rin ako ng accounting.
After, again, failing my accounting exam, lumiit pa lalo ang chance/pag-asa ko na makuha ang aking target na grade para mag-stay sa BS BAA program. Sa totoo lang, wala na ako sa sarili kong katinuan habang nagche-check kami nung exam at nalaman ko yung grade ko. Ewan ko ba kung dine-demonyo na ako o ano, pero parang may naririnig akong mga bulong na nagsasabing "mag-shift ka na lang...". At ewan ko rin ba, pero parang nakumbinsi na rin ako. Tuloy pa rin naman ang laban at nagbabaka-sakali pa rin. Pero napagisip-isip ko na hindi ko na yata kakayanin pa ang 3 pang taon ng accounting...ang mag-debit at credit, ang mag-amortize at kung anu-ano pang ek-ek na tinuro ni Horngren...Kaya nga lang, sayang naman din kasi...hay naku! Ewan ko na talaga. Nung sinabi ko sa mga kaibigan ko, mixed emotions din sila. may natuwa, may nalungkot, at may dedma lang. ay, ewan! Bahala na si Batman.

...ps. ayokong umabot sa ganito. pero nakak-depress talaga. sana may maka-usap ako at malabasan ng sama ng loob tungkol dito... =(


jeff. kaya mo yan! kaw pa!! basta kung kailangan mo ng tutor, tulong o kahit ano pa (bsta wag lang sa pera!hehehe) dito lang kaming mga kapamilya mo. naks! God bless sa inyong lahat!  


Enjoyed a lot! » »  


Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. » »  


Post a Comment
Powered for Blogger by Blogger Templates