Sunday, May 15, 2005

Nilunok kong lahat. Ang alamat ng High-tide at Low-tide*

Noong unang panahon...(ay! cliche na 'to! erase!)

February 13, 1934...ang magsing-irog na sina Bhabylyn at Renzy ay nage-HHWW sa dalampasigan ng dagat ng Sibuyan. Alas 10 y media na noon at kanilang hinihintay ang pagpatak ng hatinggabi na siyang hudyat ng isang mahalagang araw para sa magkasintahan: ang araw ng mga puso. Sila’y nagkasundo na hintayin na lamang ang hatinggabi sapagkat si Renzy ay naka-schedule na pumalaot upang tumungo sa kalapit na isla ng Azcaraga upang doo’y magtrabaho upang maka-ipon para sa kanilang kasal. Labag man sa kalooban ni Bhabylyn, wala itong magawa sapagkat nauunawan nya na kailangan nilang magkaroon ng sapat na pera para matuloy ang kanyang dream garden wedding. Buong gabing nag-usap at naglampungan ang magsing-irog at nangako sa isa’t isa na patuloy pa rin ang kanilang pagmamahalan kahit pa sila ay magkakalayo. Nangako naman si Renzy na isang isang taon lamang sya mawawala at nangako naman si Bhabylyn na magpa-payat sa loob ng isang taon din…

Kinaumagahan, isang malungkot na tagpo para sa magsing-irog ang sila’y magkahiwalay. Ngunit ang itinakda ay itinakda. Kung kaya naman sila ay nagyakapan ng mahigpit at nag-french kiss ng matagal bago umalis ang bangka ni Renzy…habang nawawala sa tanaw ni Bhabylyn ang boyfriend, walang humpay ang kanyang pag-iyak habang sinisigaw ang...”magbabalik ka ha…swear?!”

February 14, 1935 na at lumipas na ang isang taon. Excited na naghihintay ang seksing-seksing si Bhabylyn sa dalampasigan kay Renzy. Hindi nya napigilan ang pag-lundag nang matanaw ang isang bangkang paparating. Nang makarating ang bangka sa shore, dumating, hindi ang kanyang boyfriend, ngunit ang isang masamang balita…

“Bhabylyn, ikinalulungkot kong ibalita na ang sinasakyang bangka ni Renzy ay lumubog mga 45 minutes ago. Sabay sana kami sa pagbalik, ngunit siya’y sinawing-palad…”

“Hinde! Hindi ito maaaring mangyari! Bawiin mo ang joke mo! Nangako sya na babalik sya…huhuhu…”

Sa puntong ito, hindi na alam ni Bhabylyn ang gagawin, agad syang kumuha ng timba sa kanilang bahay at sinalok nya ang tubig sa dagat sa pag-asang bumabaw ang tubig at mailigtas pa ang kasintahan. Nang napansin nyang kulang pa ang kayang effort, sinabaya nya ang pag-salok ng pag-higop ng tubig sabay dura. Unti-unti na syang nawawalan ng pag-asa kung kaya nag-dive na lang sya sa dagat at lumangoy patungong kawalan upang hanapin at iligtas si Renzy. Sa kanyang walang-tigil na pag-langoy, pinulikat na kanyang buong katawan kung kaya naman hindi na sya naka-kampay ng mahusay sa tubig at sya’y nalunod na rin. Habang siyay nalulunod, hindi pa rin sya nawalan ng pag-asa. Ininom nya ang lahat ng tubig na makakayanan nya upang bumabaw ang tubig at mailigtas si Renzy. Sa tuwing puno na ang stomach nya, isusuka nya lang ang laman nito at magpapatuloy sa pag-inom ng tubig. Ginawa nya ito hanggang siya ang naging-mataba nanaman at lumobo sya ng husto ngunit hindi na nya ito inisip sapagkat mas mahalaga para sa kanya ang mailigtas ang kasintahan…

…ito ang alamat ng high-tide at low-tide sa dalampasigan ng mindoro…

*(alay kay Selena Sevilla na nalunod na ang karir...)




AZZZTIG!!!!!  


Post a Comment
Powered for Blogger by Blogger Templates