Monday, April 25, 2005

> (para sa panpil 17 report) RPG: Atari, Tamagochi, at Counter Strike/ Diablo sa Panahon nina Bayani Fernando at Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo

Round 1. FIGHT!

Ang pag-sikat o ang pagiging popular ng mga computer games--mula atari, hanggang tamagochi, hanggang sa role-playing games—ay hindi na kaila sa ating lipunan. Ang mga kabataan, pati na rin ang mga “feeeling bagets” ay nahuhumaling sa ganitong uri ng libangan. Panandalian tayong inaaliw ng anumang adventure na hatid ng isang laro sa kompyuter. Sa ganitong lagay, tila hinahayaan na lamang natin na maisantabi ang “tunay na adventure” sa ating lipunan: ang pagganap sa masasaya at masasalimuot na realidad ng buhay. Nakalulungkot kasi isipin na sa bawat spaceship na ating linulunan sa paga-Atari, naisasawalang-bahala natin ang pag-sakay at pag-sabay sa anod ng pag-ulad ng ating lipunan. Sa bawat pag-aalaga natin sa ating “virtual pet” sa Tamagochi, nalilimutan natin na ang dapat nating inaalagaan ay ang patuloy na pag-hubog sa mga mamamayan ng bansa. At sa bawat pakiki-tunggali natin sa larong Counter Strike o Diablo, nakakaligtaan natin ang tunay nating laban laban sa mga kasamaan sa lipunan, kabilang ang korupsyon sa gobyerno at ang ilang mga kaso ng paglabag sa karapatang-pantao. Marahil ay hindi rin natin masisisi ang ilan sa atin na ma-adik sa mga computer games sapagkat ang para sa kanila, mas may kabuluhan ang pagpunta sa dimensiyon na iniaalok ng mga computer games. Malamang kasi, ang mga taong ito ay sawang-sawa na sa pagiging bahagi ng isang lipunan na unti-unting nabubulok. Kung sabagay, ang lipunan nga naman ay kontrol na yata ng mga lider sa pamahalaan (Pangulong Arroyo at MMDA Chief Bayani Fernando) habang ang kumu-kontrol ng munti nilang mundo sa paglalaro ng computer games ay sila mismo.

Round 2. FIGHT!

Samantala, maihahalintulad din ang mga computer games na ito sa mga lider ng ating bansa. Tulad na nga ng nabanggit, sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA) at MMDA Chief Bayani Fernanado (BF) ay ilan lamang sa mga pangunahing “characters” na mai-uugnay natin sa mga karakter ng mga computer games, partikular ang mga RPG. Tulad ng pangunahing bida sa Diablo, ang layon ng ationg mga lider ay “iligtas” at “paunlarin” ang lipunan na pinamumugaran na ng iba’t ibang uri ng kasamaan. Kung ang mga bidang ay may mga misyon upang maisakatuparan ang kanilang layon, ang mga lider naman natin ay naghahain ng mga programa na makatutulong (umano) sa ating bansa (nariyan, halimbawa, ang mga kampanya ni PGMA laban sa terorismo, droga, kurupsyon at iba pa habang si BF naman ay abala sa pagsasa-ayos ng trapik sa mga lansangan ng kalakhang maynila). Sa pakiki-baka ng ating bida sa RPG, kadalasan ay natatamo ang taggumpay. Ngunit may mga pagkakataon din na sumasablay. Kagaya ‘yan ng mga programa ng pamahalaan. Kung ang ilan ay tiyak na nakatutulong sa pag-unlad, ang iba naman ay nagiging pabigat lamang sa bansa (ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa naka-ambang pagpataw ng dagdag na VAT habang nananatiling mababa ang sweldo ng mga empleyado’t manggagawa at ang pag-labag sa karapatang-pantao sa mararahas na dispersal sa mga manininda sa sidewalk). Isa pa, kung ang mga karakter sa RPG ay hindi minsan naiiwasan na maka-patay o maka-sakit ng mga sibilyan sa kanilang mga misyon, gayun din ang ating mga lider kung saan may mga pagkakataon na nadadamay at napapa-sama ang ilan nating kababayan sa kanilang pagpapatupad ng ilang mga programa (mga magsasakang nananatiling walang lupa at mga pedestrian na bigla na dati’y bigla na lamang mahahambalos ng higanteng basahan).

K.O.! YOU LOOSE.

Ito, at ilan pang mga pagkaka-ugnay ng mga computer games sa pamamahala ng mga lider sa ating bansa, ay patunay lamang na ang ating lipunan ay nananatiling “ikalawang realidad” para sa mga kapwa natin na nahuhumaling sa Atari (kung meron pa), Tamagochi (kung uso pa) at Counter Strike, Diablo at iba pang RPG (kung may pang-internet pa). Magising sana sila sa tunay na kalagayan ng lipunan bago pa mahuli ang lahat. Bago pa mag-GAME OVER.

Sunday, April 24, 2005

> Happy Birthday, Salamat, at iba pang Kwento...

(...kahit alam ko na napilitan lang yung iba...)

[WARNING! You might need a lot of time reading this post. Bring a cup of coffee and a sanwhich, or two, with you as you read along. No CR breaks allowed.]

Officially, (only) a total of 63 people/groups grated me for my Birthday starting wednesday evening until 10:30 this morning. These most of them greeted me in 3 media: SMS, Personal and thru this Blog. Others, greeted me after i loudly say: "Hi! Birthday ko ngayon" (yes, ala-Goyong in his Maggi Spaghetti commercial). While a number of them (including 2 close friends and my sister) greeted me the following day/s (i just don't know if they forgot that it was my birthday, or they just simply wanted to "add a little drama" to it). Anyway, i just want to say THANK YOU VERY MUCH FOR REMEMBERING ME ON MY 19th YEAR OF EXISTENCE. =)

Thanks to those who texted me (in order):

Rei [who was even more excited than i am, texting me at 9:24pm of my BDay's eve and said that in 2hours and 36minutes, i would turn 19]
Pio [who said that we are "prens por-eber" (in a tambay-sa-kanto accent]
Adie [my bestfriend, who, at that time (mga 10pm siguro), was most probably still buying my gift with another friend (see side story 1)]
Anisah [who also reminded me, for the Nth time, about our final CWTS requirement(s)]
Kuya Glenn [who made me realize some of our lives' realities...]
Godsy [who thinks that 19-year-olds are "yucky"]
Daryl [who simply said "happy birthday"]
Rach [who said that i should enjoy life and also "make ingat"]
JC [my cheerdance classmate from way-back 2nd sem-1st year. i didn't knew it was her until after i verified her number with a common friend]
Bee [the council misses you to, Bee! BAC you!]
Meiling [next time na tayo mag-kumustahan]
Kitts [thanks for the message!]
Angela [the youngest texter. Thanks for remembering.]
Micha [thank you & God bless you too.]
JayJay [gracias, el Presidente!]
CherryMay [you would also soon turn 19 and you shall be referred to as "ate"]
Jovanne [i'm sorry, i am "Georgio" (Georgio NoMoney)]
Maila [well, she didn't text me but she sent me a greeting in this blog]
Owen [Go VP! Thanks!]
Germee [merci!]
Manu [salamat, Don Manu...nuhux...]
JPIAWeek [Thank you!]
Mela [the last texter who made it on my "real" birth day]

Thank you to for those who greeted me personally (in order):

Daddy, BenBrian, Koodei, BA 99.2 classmates, Ma'am Lagunzad, Marves, Ruel, Adyssa, Boiboi, Mads, Jolo, Jen, She, Laurice, Sir Mykel, Pan Pil 17 classmates, Ian, Carlo, Toni, Ana S., Ping, ER, Patti, Gabby, Gayl.

And also to those i "begged" a greeting from, thank you (in order):

Ate Nelia, Sir Manuel, Patty, Star, Steph, Dappy, Rika, Ryan.

For those who greeted me day/s after April 21, thank you (in ordrer):

Janrich, Carla, John-Drew (see side story 2), Ate Tina, Mikki, BAC, Jubs.

And kahit hindi nyo ako nabati pero naalala nyo ako, SALAMAT! =)

...kaya ngayong alam nyo na na medyo-OC at keser ako sa pag-salamat sa mga bumabati sa akin, dapat, alam mo na ang gagawin mo next year...para magkaroon ka ng "primary billing"...hehehe...=)

*****

Side Story 1: "The Gift"

I knew my bestfriend would give me a PINK SHIRT. Put in a nice blue box, i can't wait to see (and maybe even feel) myself on a pink shirt. I did a couple of sneaks to see what it is inside. But i figuired out that more than just seeing it, i should try it on...So when i got home, i immidiately opened the box, put it on and...VOILA! The fit was perfect but the design...umm...i have some issues on that department. In the center of the shirt is an image of a couple having sex! in standing position! HUWAAAT??? Believe it or not, its just so not me! I texted Adie. Thanked him and asked "Ba't naman ganun yung design?". He replied: "eh hindi naman nagse-sex yang dalawa e. nagsasayaw lang...hehehe...=)". Oh well...just see for yourself how it looks like (on me). I'll most probably wear it on Tuesday (for a reason). =)

*****

Side Story 2: "The Call"

"One Message Recieved", beeped my phone.

[press] "Read"...

"werDJ.JPIA+" (John-Drew's entry in my Phonebook)

Me (Thinking aloud): "sa wakas binati na rin ako ng taong 'to..."

[press] "Open"...

"Nakakainis! natanggal c anwar...:("

[press "down" arrow]...(looking for additional message...)

"Sender: werDJ.JPIA+
+639178*****5"
Sent:
21-Apr-2005
21:07:12"

Me (to myslef): "huh? walang hapi birthday? ...humph.nakalimutan nya siguro...bayaan mo na..."

(next day...)

Me to Marves (ewan ko, napasok lang to bigla sa usapan namin): "e, alam mo ba, si John-Drew, hindi ako binati? I-text mo nga sya, sabihin mo nagtatampo ako..." (the truth: joke lang talaga dapat yung sinabi ko..."

(after 10 miutes...)

My phone: "Calling...werDJ.JPIA+"

[press] "Answer"...

Me: Hello? John-Drew...Hello?...Wait...hindi kita marinig...ibababa ko muna..."

[press] "End"

Me: "Marves! tinext mo talaga si John-Drew?!"

My phone: "Calling...werDJ.JPIA+"

Me, on the phone: "O? ayan..naririnig na kita. bakit ka tumawag?...e anong petsa na ba?...wushu...nakalimutan...haha! hinde, okay lang. eto naman kasing si marves, tinext ka pala talaga...thank you...haha!...huh?ui, ano ka ba?okay lang...'wag na...hay naku...sige,ikaw bahala...haha!...sige...salamat, salamat!...'bye!"

Me to myself (very happy tone): "haaay...sa wakas...isa na lang..." =)

*****

Side Story 3: "The Wait"

Me, to myself, at...

April 20, 11:30pm (After watching American Idol): "..."

April 21, 12am: "hehe...baka isa sya sa mga unang bumati...=)"

April 21, 1am: "zzzzz..."

April 21, 6am: (checked my phone): "hindi pa rin sya nag-text..."

April 21, 10am (after BA 99.2): "wala pa rin..."

April 21, 12:50pm (after Pan Pil 17): "..."

April 21, 1:30pm (sa BentoBox w/ BAC): "...ayan! may nag-text!...ah, si Meiling at si Kitts..."

April 21, 3pm (habang pinapanood sina Koodei mag-sayaw): "hahaha...pasensya na KAYO, kahit birthday ko NGAYON, wala akong panlibre, hehehe..."

April 21, 4pm (paalis na KAMI from BA): "..."

April 21, 7:10pm (pagdating ko sa bahay): "..."

April 21, 9;30pm: "ba't kaya hindi pa sya nagte-text?..."

April 21, 10:45 (pagkatapos ng performance ni Anthony): "..."

April 21, 11:30-ish (pagkatapos ng American Idol): "baka naman gusto nyang sya yung last na bumati saken... =)"

April 22, 12am: "baka hindi pa 12 o'clock sa cellphone nya...hintay muna ako ng 10 minutes..."

April 22, 12:10am "10 minutes pa..."

April 22, 12:20am "tulog na kaya yun?...10 minutes pa......zzzzz..."

April 22, 6am: "..."

April 22, 7:10am (bago umalis ng bahay): "ang sad naman tuloy, nakalimutan nya...bayaan mo na nga...=("

April 22 (buong time ko sa skul): "..."

April 22, 4:30pm (somewhere): "ui, hindi mo pa rin ba 'ko babatiin?"

April 22, 8pm (pag-uwi ko): "talagang hindi na yata nya ko igi-greet...=("

April 22, 9:45pm: "gusto ko na matulog..."

April 22, 9:54:19pm (read a message on my phone):

"Sorry d kita nabati ng happy bday. D ko alam na kahapon kac. Anyway, happy bday. Gnyt."

April 22 (after reading the message): "*i just smiled*...zzz..." =)

*****



Powered for Blogger by Blogger Templates