Sunday, May 15, 2005
Kung may "Hero's Park", meron ding "Sadara Park"
Hay nako! Matagal ko nang napapansin (bago pa sumikat si Sandara Park, at pati na rin si Soon Hae Kyo (aka Jesse), na andami-dami nang mga pagala-galang mga Koreans sa Pilipinas. Madalas ko silang nakikita sa UP kahit nung highschool pa ako sa UPIS. Dati nga, nagkaroon din kami ng mga excahange students from Korea. Tinanong ko sa isang teacher ko kung bakit ba sa pilipina sila nagpupunta. Sabi nya, dito kasi sila nag-aaral ng english at magaling tayong mag-salita at mag-turo ng english at mura (para sa kanila) ang edukasyon dito kaya ayun.
Dahil dito, hindi na bago para sa akin ang plot ng “Can This Be Love?”. Bida rito sina Sandara “Daisy” Park at Hero “Ryan” Angeles (at saling-ket-ket sina Jo-Rox) at ipinakita na sila ay nagka-kilala dahil si Ryan ang nagta-type at nage-edit ng barok na Term paper ni Daisy, isang excahange student. Ginamit din pala ng Star Cinema ang pormulang “coincidence” dahil coincidentally, si Daisy din pala ang naga-advertise ng isang cellphone, na balak din bilhin ni Ryan. Sa simula’y iritado ang dalawa sa isa’t isa pero predictable naman na mai-in love din sila after some time, at ikakasal (sa Korea). At ayun. Happy ending ika nga.
Panalong-panalo ang pelikulang ito sa masa. Kaya nga naging “Box-Office Hit” ito, na-extend sa ibang mga sinehan at kino-mentantan ng mga walang magawa ng: “Papanoorin ko ulit!”, “It’s a very good movie” at “Grabe! Nakaka-krung krung!”. Napaka-babaw kung iisipin. Pero ang hindi nakikita ng karamihan ay ang hidden message sa atin na naghahayag ng relasyon ng ating bansa sa bansang Korea…
Para sa akin, depicted sa pelikula na ang mga Pilipino ay very accommodating at hospitable sa mga Koreano (pag-sam at pag-alag ni Ryan kay Daisy). At the same time time, nandyan ang walang-kamatayang konsepto ng colonial mentality dahil tila eksaj ang pagtangkilik nating mga Pilipino sa mga produktong Korean, lalo na siguro ng mga tele-novela (i.e. pagka-in love ni Ryan kay Daisy). Napansin ko rin na at some point, kahit madalas na nale-label-an na submissive tyong mga Pinoy sa mga dayuhan, lumilitaw pa rin ang ating pagiging-aggressive sa pakikisama sa mga dayuhan (i.e. ang pag-correct ni Ryan sa paper ni Daisy at ang pagdecide nya kung saan sila pupunta). Sa kabilang banda, ipinakita rin sa pelikula na ang kahit pa nasa dayuhang bansa, mataas pa rin ang pag-tingin ng mga korean sa kanilang mga sarili at tila ayaw nila na sila ay dinidiktahan ng dayuhan, partikular ng mga Pilipino (i.e. ang pagka-asar ni Daisy sa pag-edit ni Ryan ng kanyang paper at ang kanyang “hindi padadaig” na attitude). Isa pa, ipinakita rin na si Daisy ay mas liberated kaysa kay Ryan (i.e. “kiss-on-the-forehead” scene).
Batid ng dalawang bida sa pelikula (and on the bigger picture, ng dalawang bansa) ang kani-kanilang mga differences. Ang mga differences na ito ay, noong una, ay dahilan ng hindi pagkaka-unawaan ng dalawang bida/bansa ngunit nagresulta rin sa magandang relasyon nito sa kinalaunan. Sumasalamin ito sa relasyon ng Pilipinas at Korea, kung saan hindi naging agaran ang pagkaka0roon ng magdang relasyon ng dalawang bansa. Ngunit sa kontemporaryong panahon, bumuti rin ang relasyon ng dalawang bansa sa tulong ng ASEAN at iba pang organisasyon sa Asya kabilang ang Korea-Philippines Economic Council (KORPHILEC) na itinatag noong 1984 (nabasa ko ito sa isang Panorama MAgazine dati...).
Ito ang aking mga napuna sa pelikulang “Can This Be Love?” na maaring tumutukoy sa relasyon ng Pilipinas at Korea…ngapala, nakatuwa/nakakatawa din isipin na ang pangarap ni Ryan na makapangibang-bansa ay natupad sa dulo ng pelikula. Hindi nga lang para makapag-trabaho doon, pero para magpakasal. Hehehe… ano kaya ang nais nitong ipaka-hiwatig sa mga pinoy? =)

Keep up the good work
» » »
Post a Comment