Friday, April 22, 2005

=). Ang Paborito Niyang Smiley.

***isang maikling kwento ng pag-ibig***

abangan...

some rules pala...

super favor, if you are visiting my blog, please leave a comment sa kahit anong post or leave a message sa aking tag board. para masaya. para makapag-comment din ako. para parang magkausap lang tayo...SALAMAT! =)

...

nakakatamad ngayon mag-post.
bukas or sa linggo na lang.
ok lang ba yun?
hehehehe...
as if naman may magagawa ka pa! =)

Thursday, April 21, 2005

HAPPY BIRTHDAY TO...ME! =)

It's my birthday today! Yahoo! Just turned 19! pero wala muna akong ipo-post na entry today. bukas na lang. para mrami akong kwento...hehe... =)

Maraming salamat pala sa lahat ng mga bumati sa akin ( at sa mga hahabol pa...) =)

Wednesday, April 20, 2005

PAGODA (salitang bakla for "pagod")

pagoda na ko.

kagagaling ko lang mula sa mahabang paglalakbay mula UP papuntang batasan papuntang greenhills papunta dito sa kinauuupuan ko sa tapat ng kompyuter. nagpasama muna ako sa bespren kong si adie (adriell ang tunay na pangalan) sa opisina ng tita ko sa dpwh sa may batasan para kunin yung pera ko sa kanya. tapos, kumain muna ako. naghanap ako ng makakainang may papaitan. successful. meron. sa halagang P42, solb na ang tyan ko. tapos nun, pumunta na kami sa greenhills para maghanap ng 7610 na pinatitingin sa akin ng kapatid nyang si alec. ngapala, tip sa mga pupunta ng greenhils via MRT at lakad, lumiko sa huling kanto bago makarating sa shopping complex. sarado na kasi ang dating "gate" na daanan dahil sa renovation. kung ayaw nyo manilwala, iikutin nyo ang buong greenhills bago kayo maka-pasok sa shopping-an. enihwei, wala rin kaming nakitang 7610 dun sa loob ng higit isang oras na pagli-libot. for that, napagod lang ako ng todo. pero natawa din kame kasi nalaman namin ang lang mga "template greetings" ng mga tindera sa greenhills...


template 1 (a.k.a. kumpleto kame): "HELLO SIR, MAAM DITO NA PO! ALL MODEL CELLPHONE, SECOND HAND, TRADE-IN, BATTERY, CHARGER, HOUSING, ACCESSORIES, SIR MAAM..." (kulang nalang mgatinda sila ng kondom ng baboy.)

template 2 (a.k.a. may ESP ako): "SIR, MAAM ANO PO YON? *PAUSE* (KAHIT HINDI KA UMIMIK...) AY! MERON PO KAMI NYAN SIR, MAAM! (talaga? meron kayong Motorolla Startac?)

template 3 (tamad na akong magbenta) "SIR, MAAM CELLPHONE po, charger, hmhhmnhmhmhmhmhm..." (ano daw? kaylangan na yatang mag-charge ni ate at hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya.)

at template 4 (a.k.a. bisaya) "SIR, MAM, SILPUN? CHARDSER? BATIRI? HAWSING?" (hindi na lang ako magko-comment).

isa pang tip. pasaway ang mga tindero ng cellphone sa greenhills. kapag bumili ka sa kanila, iishu-han ka nila ng resibo pero tignang mabuti dahil iba ang pangalan ng establishment at adress na nakasulat sa resibo. isa pa, lumilipat-lipat ang mga stalls na ito ng pwesto kada isang linggo. meaning, kapag bumili ka ngayon, at nasira ang telepono mo, kahit kabisado mo pa ang lokasyon ng pinag-bilhan mo,wala na yung silbi kasi nag-"rotation na sila".

ayun lang naman.

at least may natutunan kayong bagong salita: pagoda.

...wait lang. mag-isip ka ng sahog ng chopsuey...
...meron na?...hulaan ko...
...carrot? =)


Tuesday, April 19, 2005

(para sa Panpil17) Sino sila sa unang tingin? (ui...rhyming yun a...)

ang aking mga istiryotayp sa isang UP student na mula sa...

1. College of Fine Arts =
yosi. Sarah’s. artsy. “kaeos (friend ko from CFA)! pa-drowing naman ng…”. Hero Angeles (believe it or not, classmate ko sya sa Kas2 nung 1st sem ko sa UP). Special mention kay Kaeos! =)

2. College of Business Admnistration = kami yun. Critical mag-isip. Mabango. Wait…hindi pala dapat ako nagco-comment about us,baka sabihin nyong conceited ako. Basta, isa lang masasabi ko: hindi kami ang inyong ini-istiryotayp na mga estudyante. Special mention sa UP JPIA at UP BAC! =)

3. College of Engineering = madami sila. Pwede nga yata nila sakupin ang Singapore o HongKong. Suot ang “engcredibles na damit” (na nagiging chaka na kasi nakakasawa). May malaking tendencies na lumipat sa ibang kolehiyo dahil daw sa mga ES subjects. Special mention kay Meiling! =)

4. School of Economics =
kilala nyo ba si sitti ng MTV Supahstah? Ako hindi. Pero galling daw sya ng Econ. E si mareng Winnie? Galling din sya ng Econ. In short, galling econ yung mga “mukang artista” at may matatalino rin. Special mention kay Ma’am soliven! =)

5. College of Social Work and Community Development = nakatira sa building na mukang palaging may fiesta. Matapat sa gawain. Kapag clueless ka kung anong college galling ang isang student, maaaring sya ay galling sa CSWCD. Special mention kay…ay! Wala pala akong kilala from CSWCD… =(

6. Asian Institute of Tourism = buti na lang iniligtas sila ng footbridge sa tiyak na kapahamakan. Mga pang-model (daw) ang dating. Ring tone ang “…tara na, byahe tayo!…” song ni regine. Special mention kay Godsy! =)

7. College of Social Sciences and Philosophy = eto, Walang istiryotayp. Iba’t iba talaga sila ng features (para pala silang zoo?) pero kadalasan, yung mga taga rito ay yung mga iginagalang kong student activists. Mabuhay kayo at ang (ilan) nyong prinsipyo. Special mention kay MegY! =)

8. College of Education = code name “Mila”. Bait-baitan today pero in the future, magiging miss minchin. Yung mga estudyante ditto ang nag-terrorize sa aming mga isip nung kami’y hayskul sa UPIS…special mention na lang kay…ewan. =(

9. College of Home Economics = dito grumadweyt si ate. Wala ako talagang masyadong idea kung anong klaseng mga nilalang ang namamahay dito. Sila siguro yung mga artsy pero hindi pang-fine arts ang level, or designers na hindi arki ang level. Special mention kay Aicel! =)

10. College of Law = “itay! Bakit mo kami iniwan ni inay!”…mga muka na kasi silang pamilyado. Matatalino. Mahihiligb magbasa. Idolo (o kaaway) si sen. Miriam defensor-santiago. Pero mabait din sila. Hello na lang sa mommy ni Rika! =)

11. College of Music = either trip lang talaga nila or talagang kinakarir ang musika. Tahimik. Ma-ideya. Mabait. Perfect pitch. Pero hindi totoo na lahat sila ay pwedeng sumali sa pinoy pop superstar. Special mention kay Jeffrey! =)

12. College of Mass Communication = masasayang kausap kasi lahat sila ay may taglay na “gay-ness” ranging from 10% to 110%. Pwede nyo silang hiraman ng mga har-to-find movies. Tahanan ng Samaskom (masayang org to…Sali kaya ako?). Special mention kay Andrew! =)

13. School of Statistics = dating mga iskwa-kwa sa BA pero ngayon, naka-tira na sa gubat a.k.a. “Hogwarts”. May masamang nakaraan ako ditto dahil hindi ko alam na 4.0 pala grade ko sa stat101 (pero removed ko na yun)! Mabusisi. Maganda si Trina (dating chair ng SC nila). Mga math sana pero hindi na lang…special mention kay Patty! =)

14. College of Human Kinetics = jackie lou blanco, carlos agassi at vina morales. Common denominator? Muscles. Sila ang “mitochondrion” ng UP. Sabi nila (at ang sama nila) bobo daw sila…Ulul! Inggit ka lang kasi ang mga taga-CHK, true examples ng brains and brawns! Hello sa UP Pep Squad (astig din ‘to. Sabi nila, ba’t hindi daw ako sumali…Ű). Special mention kay Pio! =)

15. National College of Public Administration and Governance = masipag. Mahilig magbasa ng pahayagan (politics/opinion section). Sila ang mga susunod na FPJ o GMA. Walang special mention.

16. Institute of Information and Library Science = bbookworm hindi dahil sa kababasa kundi sas kaka-ayos ng mga libro. Gabay nila sa pang-araw-araw na buhay ang dewey decimal system. Wag silang gagalitin at baka “OPAC-an” ka nila! Balita ko, malalaki dfaw ang mga hita nila (marahil bunsod ito ng kanilang pag-akyat sa ath floor ng main lib. Special mention sa nanay ni Rica. =)

17. Asian Center = Asians. Other than that, ewan ko na.

18. Institute of Islamic Studies = mga nag-aaral tungkol sa kulturang islamiko, Duh?

19. School of Labor and Industrial Relations = dedma.

20. School of Urban and Regional Planning = dedma ulet.

21. College of Science = geek daw pero hindi naman lahat. Parang CSSP student, walang istiryotayp. Basta, ang alam ko lang, mahilig sila sa science. Special mention kay Aleth! =)

22. College of Arts and Letters = bilib ako sa kanila. Baket? Kasi, unlike them, hindi ko kayang makipag-sagupaan sa sandmakmak na mga literary works kase tamad ako magbasa. Very idealistic. Maraming tibak

23. INSTITUTE OF SMALL SCALE INDUSTRIES = dedma pa rin. Bumuo na lang sana sila ng sarili nilang tri-coll (with SOLAIR & SURP).


Monday, April 18, 2005

=ui...si jeff daw, may blog na???

=blog?
=si jeff?
=baket?

>why nat?

=e, baket nga?

>um...kasi dati ko pa trip mag-karoon ng blog kaya nga lang,hassle kasi baka mahirapan akong mag-maintain neto kase wala naman akong pc sa bahay.

=o, ngayon?

>e, ayun nga.pero gusto ko nga talaga.why not nga diba.besides, ni-require narin kame sa PanPil17 na magaroon ng sariling blog...ang saya no?! =)

=aaahhh...

>so ayan, welcome sa kauna-unahan kong ipinost sa aking blog. sana mawili pa rin kayo sa mgasusunod pa at susubukan ko kayong pasayahin. =)

=ganun ba? haha! goodluck na lang sa'yo!

>oshasha (padilla?), next time na ulit. babu na ang...Da Who! =)


Powered for Blogger by Blogger Templates