Wednesday, April 20, 2005

PAGODA (salitang bakla for "pagod")

pagoda na ko.

kagagaling ko lang mula sa mahabang paglalakbay mula UP papuntang batasan papuntang greenhills papunta dito sa kinauuupuan ko sa tapat ng kompyuter. nagpasama muna ako sa bespren kong si adie (adriell ang tunay na pangalan) sa opisina ng tita ko sa dpwh sa may batasan para kunin yung pera ko sa kanya. tapos, kumain muna ako. naghanap ako ng makakainang may papaitan. successful. meron. sa halagang P42, solb na ang tyan ko. tapos nun, pumunta na kami sa greenhills para maghanap ng 7610 na pinatitingin sa akin ng kapatid nyang si alec. ngapala, tip sa mga pupunta ng greenhils via MRT at lakad, lumiko sa huling kanto bago makarating sa shopping complex. sarado na kasi ang dating "gate" na daanan dahil sa renovation. kung ayaw nyo manilwala, iikutin nyo ang buong greenhills bago kayo maka-pasok sa shopping-an. enihwei, wala rin kaming nakitang 7610 dun sa loob ng higit isang oras na pagli-libot. for that, napagod lang ako ng todo. pero natawa din kame kasi nalaman namin ang lang mga "template greetings" ng mga tindera sa greenhills...


template 1 (a.k.a. kumpleto kame): "HELLO SIR, MAAM DITO NA PO! ALL MODEL CELLPHONE, SECOND HAND, TRADE-IN, BATTERY, CHARGER, HOUSING, ACCESSORIES, SIR MAAM..." (kulang nalang mgatinda sila ng kondom ng baboy.)

template 2 (a.k.a. may ESP ako): "SIR, MAAM ANO PO YON? *PAUSE* (KAHIT HINDI KA UMIMIK...) AY! MERON PO KAMI NYAN SIR, MAAM! (talaga? meron kayong Motorolla Startac?)

template 3 (tamad na akong magbenta) "SIR, MAAM CELLPHONE po, charger, hmhhmnhmhmhmhmhm..." (ano daw? kaylangan na yatang mag-charge ni ate at hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya.)

at template 4 (a.k.a. bisaya) "SIR, MAM, SILPUN? CHARDSER? BATIRI? HAWSING?" (hindi na lang ako magko-comment).

isa pang tip. pasaway ang mga tindero ng cellphone sa greenhills. kapag bumili ka sa kanila, iishu-han ka nila ng resibo pero tignang mabuti dahil iba ang pangalan ng establishment at adress na nakasulat sa resibo. isa pa, lumilipat-lipat ang mga stalls na ito ng pwesto kada isang linggo. meaning, kapag bumili ka ngayon, at nasira ang telepono mo, kahit kabisado mo pa ang lokasyon ng pinag-bilhan mo,wala na yung silbi kasi nag-"rotation na sila".

ayun lang naman.

at least may natutunan kayong bagong salita: pagoda.

...wait lang. mag-isip ka ng sahog ng chopsuey...
...meron na?...hulaan ko...
...carrot? =)




hi jeffy! hapi burpdei uli sa yo. pasensya ka na kung makulit at paulit-ulit sa klase kanina. at salamat sa kaibigan mong nag-tip na bday mo! naku, dapat lahat ng may bday ay mabati natin! cge.

--sir mykel  


Post a Comment
Powered for Blogger by Blogger Templates