Monday, August 01, 2005

*sigh*

Desperado

Desperado
why dont you come to your senses
you've been out riding fences
for so long now

oh you're a hard one
i know that you've got your reasons
and the things that are pleasin you
can hurt you somehow


dont you try the queen of diamonds, boy
she'll beat you when she's able
know the queen of hearts
is always your best bet
but it seems to me the finest things
have been laid upon your table
but you only want the ones that you cant get

desperado why dont you come to your senses
you better let somebody love you
let somebody love you
you better let somebody love you
before it's too late
too late
too late
before it's too late..

Saturday, July 09, 2005

ewan ko na lang kung may angbabasa pa ng blog na 'to...

haaay...it has been a long while...madami nang nagyari sa akin at madami na rin dapat akong ma-share sa inyo...actually, ewan ko kung dapat nga bang i-share...at ewan ko nga rin kung interesado pa rin kayo sa mga sasabihin ko...owel papel...eto na...pasensha na kung wala sa order...bahala na si batman...kung ano na lang ang maalala ko, yun na yun...

> Malapit nang mag-TARARUN! Sa July 17 na! Isa itong Fun(d)Run ng UP JPIA ito ay organized by the Peoples, Events and Public Relations Committee, or PEPCom (woohoo! GO PEPCom!!). For Tararun details, just visit our blog at
http://tararun3.i.ph.

> Speaking of Tararun, nandito kami ngayon kina Owen at nag-overnight kasi aalis na rin kami maya-maya papuntang Sta. Rosa, Laguna para mag-flyering, mang-invite at magpa-register ng mga runners! Yehey!

> Speaking of Yehey, malapit na rin ang BACBACAN1 (sa mga hindi alam kung ano ito, basta, ito ang inter-batch sportsfest namin sa CBA)!Grabe, sayaw na sayaw na ako! yun nga lang, dahil BAC (Council) mamber ako, isa lang ang pwede kong salihan. For that, hindi ako makakpag-volleyball...aww...='(

> Speaking of volleyball, nanood kami (Pio, Red, Chino, Bill & I) last Sunday ng Manila Leg ng World Women's Volleyball Grand Prix sa PhilSports Arena. Yun din kasi yung last day ng tournament kaya go na kami! Nakita namin ang mga players ng Thailand, neatherlands, Italy, Cuba (grabe, nakita ko na sa personal si Yumilka Ruiz!)...at infairness maitim pala ang singit ng Cubans...

> Speaking of maitim, malapit na rin yatang mag-dilim ang utak ko sa dami ng mga cases na kailangan i-analyze sa mga subjects ko sa BA...ngayon pa lang, haggard na ako (at kame) kasi ba naman, magka-sunod na days kami na magre-report ng case at magki-critic! Kumusta naman tayo jan?!

> Speaking of kumusta naman tayo jan, gusto ko lang kumustahin ang mga applicants ng JPIA lalung-lalo na sa aking Applicant Core Group na sina Charm Cargo, Jaymie Rayes, Sani Ajero at ang aking sponsee na si Joshua Tiu! Yehey! Infairness, ang saya ko with my sponsee and core group! si Charm, kasama ko sa Council, si Jaymie game na game nung 1st commeet w/apps, si Sani mukang makulet kasi ka-text ko sya nung isang gabi habang nanonood sya ng Desperate Housewives at si Joshua naman, haha...basta, para kay Joshua, gawin mo lang ang best mo (oo na...cliche na'to...) at super okay na sa akin yun! Salamat din pala sa dried mango na galing pa ng Cebu,hehe...

> Speaking of Cebu, gusto kong pumunta ng Cebu (sa GASC?)...at Boracay
(sa AdCamp?)...at sa Bohol (Ben?)...sana...=)

> Speaking of Ben, matagal ko na rin palang gusto mag-sulat tungkol sa kanya...kung hindi mo kakilala si Ben, at kung hindi mo sya friend, your missing a huge piece of your life...kapag kasam namin si Ben, naalala ko si Santa Claus...hindi naman dahil sa maraming ibinibigay si Ben (pero ganun na nga) at meron syang collection ng Santa Clothes...kundi dahil super bait at friendly nya...parang kami yung mga bata na uupo sa lap nya (nakakatakot lang minsan kapag naka-D.O.M. mode sya...) para humingi ng kung anuman...payo sa acads at sa pulitika, magpa-libre at sumakay sa kanyang "sleigh" a.k.a. "Ready-to-be-pimped-Terrano", HEHEHE... basta, masaya kasama si Ben...kahit malakas din sya mang-asar...

> Speaking of mang-asar...haaay nako...itong sina Ben, Jolo at Mickey, ang lakas mang-asar...ewan ko sa inyo! >=( kung anuman yung inaasar nila sa akin, next time ko na lang ishe-share...mahaba-habang usapan yun...basta!

> And finally, speaking of basta, BASTA! aalis na kami! sa mga readers, 'till next time!

> Woohoo! Sta. Rosa, here we come!!!

> p.s. taniong lang, may nagbabasa pa ba ng blog na'to? Promise i'll update this one more often...just let me know bygiving a comment or leaving a message in my tag board. THANKS!!! =)

Wednesday, June 29, 2005

TARARUN 3! REGISTRATION FORMS AVAILABLE HERE! =)

For TARARUN 3 Registration Forms, click
  • HERE.

  • Tuesday, June 07, 2005

    "penetration..."

    ...meaning, pasukan...nanaman! at WELCOME SA LAHAT NG MGA NAGBABALIK-ESKWELA!
    Lalo na sa mga:
    1.) Nag-sign up for AuxCorps (for sure masaya ang batch na'to ng mga volunteers!)
    2.) Nakabasa na ng BAC2You at naintriga sa aking isinulat na webblogsite sa "message from the council" portion
    2.) CBA Freshies na nagsidalo sa CBA Orientation kanina
    3.) at shempre, sa mga Buddies ko na freshies: Adeliza, Isabella, AnaKatrina, Andrea at Aldren! =)
    Kita-kits na lang sa school! =)

    Thursday, June 02, 2005

    ang pagbabalik...

    grabe, hindi coherent ang mga isusulat ko ngayon kasi wala yata ako sa tamang katinuan.
    naktutuwang isipin na ang mga tao ay naghahanap pala ng kung anumang mababasa nila sa blog kong ito.
    bale ito, sana naman, maraming nakakabasa.
    i have an announcement to make...
    sa mga masugid ko ng mambabasa ukol sa aking accounting endeavors, sadly, i wasn't able to remove the course. as what most of us all know, the passing grade is 65% but nung removals namin, 70% ang qualifying and i am 4% short. frustrating shempre, but the thing is, i'm being positive about it. kaya sana, ganun din kayo. ayoko kasi na kayo yung malulungkot for me. actually (naks!parang artista...), least of my concerns na yung accounting, ang mas wino-worry ko is kayo...all i need is your positive attitude about what happen (and what MIGHT happen) at ang inyong suporta. ako pa rin naman ang dating jeff garma na nakilala nyo kaya...HAPPY-HAPPY pa rin! =)

    Saturday, May 21, 2005

    Keeping My Tears on a Rainy Sunset

    Sabi nila, kapag nalulungkot ka, natural na ang pakiramdam na parang gusto mong umiyak. Okay lang sana kung mag-isa ka. Kaya lang, pano kung saniban ka na ng espiritu ng kalungkutan at kasama mo pa rin ang mga kaibigan mo? Itutuloy mo pa rin bang umiyak? Nakakahiya 'di ba? Ganyan ang naramdaman ko nung Thursday...
    Hapon na no'n. Nasa BA Steps kami kasama ko sina L, M1 at M2. Hinihintay namin bumalik si B na may kinuha lang sa boarding house n'ya. Nagu-usap usap sila. Ako parang wala sa mood. Sa mga oras na 'yun iniisip ko na ang exam ko kinabukasan sa accounting at ang lahat nga mga posibleng mangyari dahil 'dun...na kesyo iiwan ko na yung mga BAA friends ko, na hindi kami pare-pareho ng mga subjects, na hindi kami sabay ga-graduate, at marami pang kung anu-ano...habang iniisip ko'yun, tinutulak na ng depresyon ang mga luha ko palabas ng mga mata ko...pero kailangang pigilin. Kasi, nakakahiya. Gusto ko mang mag-share sa kanila, pinili ko na lang na 'wag na kasi baka madamay pa sila sa nararamdam ko at that point at baka mabasa ang mga balikat nila kapag bumuhos na lang bigala ang luha ko (sabagay, malapit ko na rin yata ma-master ang art ng pagpi-pigil ng luha...). Habang ganun nga, bigla namang bumuhos ang ulan...at naisip ko, what if magyaya na lang ako bigal na maligo kami sa ulan? At kung hindi sila pumayag, ako na lang mag-isa, at 'pag nandun na'ko, isasabay ko na ang pag-iyak para hindi halata...pero, hindi ko 'yun ginawa. Sa puntong 'yun, hindi pa rin bumabalik si B kaya naisip nina L at M1 na pumunta sa dorm ni M1 kasi hihiramin ni L yung laptop nya. Kaya naiwan kami ni M2 sa steps. Ayus! Mas konting tao, mas ok lang umiyak! Besides, feeling ko naman na maiintindihan nya kung bakit e...pero hindi ko parin ginawa. Sa mga oras na 'yun, tahimik lang kaming dalawa habang lumulubog na ang araw sa view ng Sunken Garden. Ang ganda sana tignan nung sunset kaya lang, yumuko na lang ako kasi baka mag-reflect yung sinag ng araw sa mata kong malapit nang nalulunod sa luha...pero sadyang magaling ako at napigilan ko pa rin (although reliable ang panyo at mga daliri ko sa pag-punas sa mga mata ko...). Dumating na si B, and after ilang minutes, sila L at M1 na rin. Magkakasabay na sila sa taxi at aalis na. Hindi ako sumabay kasi out of the way ako. Pag-alis nila, parang ayoko pa umuwi...pero wala na akong ibang maisip na puntahan at kailangan ko na rin pala mag-aral...at abutan ang part 2 ng Amazing Race finale sa Studio 23.
    Pag-uwi ko, pagkatapos manood ng AR7 at American Idol at pagkatapos mag-aral, nalungkot nanaman ako. Sa puntong 'yon, wala nang ulan, wala nang sunset, at wala nang ibang tao sa kwarto. Naiiyak nanaman ako...pero that time, hindi ko na napigilan.



    ***
    ...pero 'wag kayo mag-alala, okay lang ako at masaya n'yo pa rin akong makikitang pagala-gala kung saan-saan...=)

    feeling cast ako ng GIMIK kagabi...=)

    Swear! Napilitan lang ako! Una, kasi ayoko pang mag-saya dahil sa lecheng accounting na 'yan at ikalawa, paubos na kasi ang pera ko na nire-reserve ko pa naman sana sa isang... =)
    Pero swear din! Buti na lang at napilatan ako! Hahaha! Buti na lang, kasama ako sa unang official gimik ng BAC (Business Administration Student Council)!
    Night before pa lang, nag-text na si Carlo (ang aming chairperson) at nagyayaya. Nag-aaral ako no'n para sa exam ko kinabukasan sa accounting, kaya sabi ko, malamang hindi ako makasama...
    Kinabukasan, pagkatapos ng exam ko, nagipun-pon na ang mga ka-BAC ko sa steps at ako naman, upto this point, can't decide pa rin talaga...Pero pucha! Ibang klase ang gayuma ng council! Hiritan ka ba naman ng: "Aww...hindi ka sasama? Sayang naman..." at "Sige na Jeff! Papautangin kita. Payable whenever you can!". For that, sino pa ba naman ako para tumanggi diba? "Sige na nga",. sabi ko...at Ortigas, HERE WE COME!!!
    As if it was a meeting, ang aming unang agenda ay kumain. Habang nag-Wham ang karamihan sa amin, nag-Kenny kami nina Ben, Aisa at Marves kasi...umm...gusto naming mag-kanin galore! Hehehe...
    After eating, ang sumunod naman ay ang pano-nood ng sine! At 'wag ka, nagpaka-sosyal kami ng todo sa pinili naming pelikula! Kinabog pa ang Star Wars III! Pinanood namin ang...(drum rolls please...) BIKINI OPEN!!! At shet 'yan! It was one of the best movies that i ever watched!...at maalat ang asukal! 'takte 'yan! Akala ko (namin) pa naman, may pagka-artsy ang pelikula at matutuwa ako parang nung last full show kong pinanood ang Bridal Shower. May mga scenes naman talaga na natawa ako, pero "double shit!" (linya sa movie) 'yan! Wala talagang kwenta! Bakit ba ksi namin pinanood 'yun? Ah! may sagot ako dyan! ...Why? Because we can! (basta, panoorin nyo na lang ang movie, at your own risk, para ma-gets nyo...).
    Pagkatapos ng movie, tumengga muna kami sa Galle...picture-picture, kwento-kwento, at lait-lait...bago kami mag-decide na pumunta ng Metrowalk...
    Aba! First time ko sa lugar na 'yun! Sosyalan ang mga tao...kaya dapat, lumevel! Hanap kami ng hanap kung saan kami pwede mag-stay pero jahe pumasok nung una sa mga resto kaya sa may halamanan na lang muna kami namalagi (at sa puntong 'yon, may nakita kaming artista! Si Mel Soriano!). Ewan ko ba kung saan galing,pero bigla na lang nagka-yayaan mag-Dencio's. Pagdating namin dun, akala ko, hindi kami pwedeng papasukin kasi hindi ganun ka-sosi ang aura namin. 'Yun pala, walang available na table for 11 kaya pinag-hintay kami sa labas...eh naburat na kami. At hindi ko nanaman alam kung saan galing pero nagka-yayaan naman sa Chowking para maghalo-halo...Sa Chowking, hindi ko na afford ang halo-halo nila kaya naisip ko (actually ni Russ) na mag-Ice Craze na lang sa kalapit na Jollibee. Pero shet! Wala nang Coffee Jelly sa Jollibee!...Kaya nag-Mais con yelo na lang ako (at nalaman ko na meron pala 'yung gata). Sa Chowking ko na kinain yung binili ko (ok lang naman daw, tutal sister companies ang dalawa) at doon nag-kwentuhan kami hanggang May 21...
    1:30+ na ako naka-uwi at tinulugan na ako ng tatay ko. Bago ako matulog, nagpe-play sa utak ko ang theme song ng Gimik the Reunion...
    "Kahit pa anong mangyari...ang pag-ibig ko...sa'yo ay 'di na magbabago..."
    GO Council!GO BAC! BAC YOU! =)

    Sunday, May 15, 2005

    Keeping my fingers crossed...

    last thursday, i (together with 5 other hopefuls) had a panel interview, not for a talent-search, but for a scholarship. If you happen to pass by our college (CBA), you sure have noticed a streamer announcing that the Society of Emancipated Men (you should know by now how they call their org...) is looking for two male scholars. I immediately applied for it since 1.) i need one and 2.) the benefit was, simply, P20,000/sem! Great!
    Now, going back to the interview, the interview went very...cool! i was expecting for a serious talk and i even had to wear a (semi) formal attire. I was eager to get in first so that i can finish early so that i can go home so that i can catch the Amazing Race finale. But I was last. it was funny because when the first of us was done with his interview, he told us that it went very informal. True enough, when it was my turn, i wasn't expecting at all questions like: "How many girlfriends do you have?", "how many bottles of alchohol can you consume before you get drunk?, and "What is the Filipino term for the name of our org, SEMen?". I answered all their questions candidly and hpefully it helped me win their scholarship grant. =)
    the results will be released anytime this coming week. until then, i'm just keeping my fingers crossed...=)

    Accounting is just a bitter pill that i have to take...

    ...pero sukang-suka na ako, the same time na sinusuka na rin ako ng accounting.
    After, again, failing my accounting exam, lumiit pa lalo ang chance/pag-asa ko na makuha ang aking target na grade para mag-stay sa BS BAA program. Sa totoo lang, wala na ako sa sarili kong katinuan habang nagche-check kami nung exam at nalaman ko yung grade ko. Ewan ko ba kung dine-demonyo na ako o ano, pero parang may naririnig akong mga bulong na nagsasabing "mag-shift ka na lang...". At ewan ko rin ba, pero parang nakumbinsi na rin ako. Tuloy pa rin naman ang laban at nagbabaka-sakali pa rin. Pero napagisip-isip ko na hindi ko na yata kakayanin pa ang 3 pang taon ng accounting...ang mag-debit at credit, ang mag-amortize at kung anu-ano pang ek-ek na tinuro ni Horngren...Kaya nga lang, sayang naman din kasi...hay naku! Ewan ko na talaga. Nung sinabi ko sa mga kaibigan ko, mixed emotions din sila. may natuwa, may nalungkot, at may dedma lang. ay, ewan! Bahala na si Batman.

    ...ps. ayokong umabot sa ganito. pero nakak-depress talaga. sana may maka-usap ako at malabasan ng sama ng loob tungkol dito... =(

    Kung may "Hero's Park", meron ding "Sadara Park"

    Hay nako! Matagal ko nang napapansin (bago pa sumikat si Sandara Park, at pati na rin si Soon Hae Kyo (aka Jesse), na andami-dami nang mga pagala-galang mga Koreans sa Pilipinas. Madalas ko silang nakikita sa UP kahit nung highschool pa ako sa UPIS. Dati nga, nagkaroon din kami ng mga excahange students from Korea. Tinanong ko sa isang teacher ko kung bakit ba sa pilipina sila nagpupunta. Sabi nya, dito kasi sila nag-aaral ng english at magaling tayong mag-salita at mag-turo ng english at mura (para sa kanila) ang edukasyon dito kaya ayun.
    Dahil dito, hindi na bago para sa akin ang plot ng “Can This Be Love?”. Bida rito sina Sandara “Daisy” Park at Hero “Ryan” Angeles (at saling-ket-ket sina Jo-Rox) at ipinakita na sila ay nagka-kilala dahil si Ryan ang nagta-type at nage-edit ng barok na Term paper ni Daisy, isang excahange student. Ginamit din pala ng Star Cinema ang pormulang “coincidence” dahil coincidentally, si Daisy din pala ang naga-advertise ng isang cellphone, na balak din bilhin ni Ryan. Sa simula’y iritado ang dalawa sa isa’t isa pero predictable naman na mai-in love din sila after some time, at ikakasal (sa Korea). At ayun. Happy ending ika nga.
    Panalong-panalo ang pelikulang ito sa masa. Kaya nga naging “Box-Office Hit” ito, na-extend sa ibang mga sinehan at kino-mentantan ng mga walang magawa ng: “Papanoorin ko ulit!”, “It’s a very good movie” at “Grabe! Nakaka-krung krung!”. Napaka-babaw kung iisipin. Pero ang hindi nakikita ng karamihan ay ang hidden message sa atin na naghahayag ng relasyon ng ating bansa sa bansang Korea…
    Para sa akin, depicted sa pelikula na ang mga Pilipino ay very accommodating at hospitable sa mga Koreano (pag-sam at pag-alag ni Ryan kay Daisy). At the same time time, nandyan ang walang-kamatayang konsepto ng colonial mentality dahil tila eksaj ang pagtangkilik nating mga Pilipino sa mga produktong Korean, lalo na siguro ng mga tele-novela (i.e. pagka-in love ni Ryan kay Daisy). Napansin ko rin na at some point, kahit madalas na nale-label-an na submissive tyong mga Pinoy sa mga dayuhan, lumilitaw pa rin ang ating pagiging-aggressive sa pakikisama sa mga dayuhan (i.e. ang pag-correct ni Ryan sa paper ni Daisy at ang pagdecide nya kung saan sila pupunta). Sa kabilang banda, ipinakita rin sa pelikula na ang kahit pa nasa dayuhang bansa, mataas pa rin ang pag-tingin ng mga korean sa kanilang mga sarili at tila ayaw nila na sila ay dinidiktahan ng dayuhan, partikular ng mga Pilipino (i.e. ang pagka-asar ni Daisy sa pag-edit ni Ryan ng kanyang paper at ang kanyang “hindi padadaig” na attitude). Isa pa, ipinakita rin na si Daisy ay mas liberated kaysa kay Ryan (i.e. “kiss-on-the-forehead” scene).
    Batid ng dalawang bida sa pelikula (and on the bigger picture, ng dalawang bansa) ang kani-kanilang mga differences. Ang mga differences na ito ay, noong una, ay dahilan ng hindi pagkaka-unawaan ng dalawang bida/bansa ngunit nagresulta rin sa magandang relasyon nito sa kinalaunan. Sumasalamin ito sa relasyon ng Pilipinas at Korea, kung saan hindi naging agaran ang pagkaka0roon ng magdang relasyon ng dalawang bansa. Ngunit sa kontemporaryong panahon, bumuti rin ang relasyon ng dalawang bansa sa tulong ng ASEAN at iba pang organisasyon sa Asya kabilang ang Korea-Philippines Economic Council (KORPHILEC) na itinatag noong 1984 (nabasa ko ito sa isang Panorama MAgazine dati...).
    Ito ang aking mga napuna sa pelikulang “Can This Be Love?” na maaring tumutukoy sa relasyon ng Pilipinas at Korea…ngapala, nakatuwa/nakakatawa din isipin na ang pangarap ni Ryan na makapangibang-bansa ay natupad sa dulo ng pelikula. Hindi nga lang para makapag-trabaho doon, pero para magpakasal. Hehehe… ano kaya ang nais nitong ipaka-hiwatig sa mga pinoy? =)


    Powered for Blogger by Blogger Templates